Thursday, September 30, 2010

IMORTAL: Behind the scenes pictures


Humanda na sa pinaka-malaki at pinaka-inaabangang teleserye ngayong 2010, ang “Imortal,” na papanood na ngayong Lunes sa ABS-CBN Primetime Bida.
Tatapusin na ng ABS-CBN ang paghihintay ng lahat. Mula sa makers ng award-winning na “Lobo,” isang siguradong ‘di mapapantayang teleserye ang pagsasamahan ng dalawang dekalibreng artista sa showbiz ngayon, sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, na tiyak magpapabilis sa tibok ng inyong puso.
Mula sa direksyon ng tatlo sa pinupuring director sa industriya, sina Chito Roño, Jerry Sineneng at Trina Dayrit, iikot ang kwento sa dalawang mortal na magkaaway, si Lia (Angel) isang lobo at si Mateo (John Lloyd) isang bampira, mula sa magkaibang mundo, na kalaunan ay magkaka-ibigan. Sa gitna ng hidwaang mortal, manaig kaya ang pag-iibigang Imortal?
Kasama rin sa Imortal ang tatlong promising stars na mas magbibigay anghang sa istorya, si Maricar Reyes na gaganap bilang Samantha, si Rico Blanco na bibigyang buhay ang karakter ni Lucas at si Niña Dolino bilang Charice.

Ilan pa sa mga makasama sa pinaka-inaantabayanang serye sa primetime ang mga beteranong artista na hinasa na ng panahon: Jomari Yllana, Jaime Fabregas, Jake Roxas, Johnny Revilla and Vivian Velez.
Natatangi rin ang nasabing serye dahil hindi lamang sa telebisyon maaaring ma-hook ang mga manonood. Pati cyberworld ay kinagat na rin ng Imortal via
http://imortal.abs-cbn.com. Mula sa user-generated content, role-playing games at webisodes, mas lalong mahuhumaling ang lahat sa kapangyarihan ng Imortal.
Totoo na. Hindi na paaawat pa. Imortal, mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida.


For exclusive behind the scenes pictures...


Rico Blanco with Angel on his first Teleserye experience.



Ano kaya ang nilalaro ni Angel?

ahh.. her iPad!


Si JL... need I say more? :)



I can't wait to watch this show! I'm sure, if you're a follower of my blog and twitter, you are well aware of how I get myself updated with the latest on this series. It's not even out yet and I am already raving about it to everyone as though i've seen episodes already. In all fairness, I am confident to promote it and say such good things about it cause I know it's gonna be good. Hindi ako mapapahiya sa inyo :)

So for the people who are as excited as I am, let's make noise and let the whole world tune into Ch.2 on Monday (oct.4)

Photos taken by: Allan Sangcon

For videos, visit:
http://www.youtube.com/user/mychosdotcom
For instant updates follow me on Twitter:
www.twitter.com/mychosdotcom

3 comments:

Nicky said...

Hi Mychos!

Thanks for the support for Imortal and loving Angel Locsin. Love reading your post. Hope you will not mind sharing your photos with proper credit to you of course :)

My CHOS said...

Sureness! As long as the credit is there hehe. Thank you Nicky :)

Anonymous said...

Di ba po si Ms ANgel may picture din sa blue chair bakit po di nka post sa site nyo? sana po ilagay nyo din...thanks :)