Thursday, October 18, 2012

ERICH GONZALES, MASAYA SA SPECIAL FRIENDSHIP NILA NI THAI SUPERSTAR MARIO MAURER


ERICH GONZALES, MASAYA SA SPECIAL FRIENDSHIP NILA 
NI THAI SUPERSTAR MARIO MAURER

Natutuwa ang Filipina actress na si Erich Gonzales sa espesyal na pagkakaibigan na mayroon silang Thai superstar nasi Mario Maurer na leading man niya sa kauna-unahang cross-national film ng Star Cinema na "Suddenly It's Magic," na ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Oktubre.

"Napaka-sincere, napakabait, at ang cute cute ni Mario! Sobrang charming talaga niya. Walangkaere-ere," ani Erich na nakatrabahong ilang buwan ang Thai heartthrob sa mga eksena nilang kinunan hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi maging sa Bangkok, Thailand.

"Marami kaming pagkakapareho ni Mario at nagkakasundo kami ng mga interes sa buhay. Napakasaya niyang kasama, cool, at palalaro,” paglalarawan ni Erich kay Mario nasikatsakanyang Asian fans bilang si Shone ng hit Thai movie na "Crazy Little Thing Called Love."

Dagdag pa ni Erich, hindi masusukat ang saya niya na makapareha ang sikat na Thai heartthrob ang masaksihan ang labis na dedikasyon nito sa kanyang trabaho. "Na-touch ako sa warm welcome niya nung nag-shoot kami sa Thailand. Napaka-friendly niya talaga at sobrang down to earth," ani Erich. "Namangha din ako kung gaano siya nag-effort para ma-perfect ang Tagalog lines niya sa movie."

Sa "Suddenly It's Magic," bibigyang buhay ni Erich ang karakter ni Joey, isang pastry chef. "Kakatapos lang ni Joey sa isang bad relationship kaya medyo bitter siya pagdating sa love," kuwento ng aktres. "Tapos biglang nagtagpo ang landas ni Joey at ng Thai superstar na si Marcus (gagampanan ni Mario), na siyang babagong buhay nilang dalawa.”

Dagdag pang kuwentoni Erich, "Napakaganda nung story. Very light lang. Dito mapapaisip ka kung ano ang pipiliin mo--career mo o true love?"

Sa direksyon ng batikang Filipino director nasi Rory B. Quintos, ang “Suddenly Its Magic” ay isang makabagong feel-good fairy tale nakauna-unahang cross-national film nina Erich at Mario.

Mapapanood na ang "Suddenly It's Magic" sa mga sinehan nationwide sa October 2012. Ipalalabas din ito sa Thailand ngayong taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "Suddenly It's Magic," mag- log on lamang
sa www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER*
*TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*

1 comment:

Megan said...

Thank you mychos for supporting Erich! we love mychos...mwah