Wednesday, September 19, 2012

“THE MISTRESS” EXCEEDS P100 MILLION MARK IN 5 DAYS



Humahataw rin pati sa 
international screenings…
“THE MISTRESS,” KUMITA NG LAMPAS 
P100 MILLION SA 5 ARAW 

Wala pang isang linggo, lagpas P100 million na ang kinita sa takilya ng pinakapinag-uusapang first daring film nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na “The Mistress” na nagpahanga sa moviegoers hindi lamang dahil sa kakaibang katapangang ipinamalas ng mga bida nito, kundi maging sa kontrobersyal na ending ng kuwentong bumihag sa puso ng lahat, na siya ring rason ng marami na makailang ulit nang napanood ang pelikula. Patuloy na humahataw sa second week nito ang “The Mistress” sa 200 cinemas sa Pilipinas at sa mga piling sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.  

Ang international screening ng pinakabagong obra maestra ni Olivia M. Lamasan at ng Star Cinema ay nag-grand premiere sa Nice, France na dinaluhan mismo nina John Lloyd at Bea.

"Nag-show kami after the screening. Napakabait ng mga Filipino doon. Ang warm ng pag-welcome nila sa amin, first time ko doon,” ani Bea na halos maiyak nang malamang nag-P100 million ang kanilang pelikula sa loob lamang ng limang araw. “Sabi nila umiyak daw sila, nagustuhan nila 'yung pelikula so sobrang nakakatuwa talaga."

Laking pasalamat rin sina Bea at John Lloyd sa lahat ng mga manonood na nagustuhan at pinupuri ang kanilang pagganap sa pelikulang bahagi ng selebrasyon ng sampung taon nila bilang magka-love team.

Nakatakdang mapanood ang “The Mistress” sa mga piling venue sa North America, Middle East, Europe, New Zealand, at Guam. (Para sa schedule ng international screenings, bisitahin lamang ang www.starcinema.com.ph.)

Ang “The Mistress” na graded B ng Cinema Evaluation Board ay showing pa rin sa 200 sinehan nationwide.

Itinuturing bilang ‘bravest film’ at kauna-unahang daring film ng tambalang John Lloyd at Bea, tinatalakay ng “The Mistress” ang kontrobersyal na isyu ng pangangaliwa ng isang may-asawang lalaki at pakikipagrelasyon ng isang babae sa isang pamilyadong ama. “Interesting siya kasi marami naman talagang nasa sitwasyon na ganyan. But it was never an intention to be controversial,” ani Direk Olive. “When it was conceptualized it was simply about a story of a man who falls in love with a woman who happens to be a mistress. We also got interested in what kind of a mistress or a woman this mistress is to be worthy of this man’s love.”

Ngunit higit pa sa isyu, ang mas kaabang-abang raw sa “The Mistress,” ayon sa direktor nito, ay ang kakaibang love triangle na kinasasangkutan nina Sari (Bea), ang kabit; Rico (Ronaldo Valdez), ang benefactor; at JD (John Lloyd) ang masugid na tagahanga. “In every love triangle, it becomes more interesting kung parang level ‘yung competition ng ka-triangle,” sabi ni Direk Olive. “What’s also appealing about the film is that kuwento siya ng flawed characters. All of them are flawed but all of them have a heart and in getting to know them, you would symphatize and emphatize with them.”

Bukod kina John Lloyd, Bea, at Ronaldo, bahagi rin ng "The Mistress" ang multi-awarded actress na si Hilda Koronel na gaganap naman bilang si Regina, ang misis ni Rico. Kasama rin sa pelikula sina Anita Linda, Carmi Martin, Tony Mabesa, K Brosas, Gabe Mercado, Minnie Aguilar, Nor Domingo, at Clarence Delgado.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "The Mistress," 




*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER*
*TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*

No comments: