Last September 5, naganap ang Bloggers Conference ng
isang bagong indie film entitled BIKTIMA.
Dumating doon ang Director ng movie na si Direk RD Alba,
na nagcecelebrate din ng birthday nya sa araw din na yon!
Syemre, nanduon din ang award winning actor na si Buboy, si Cesar Montano,
na may-ari din ng restaurant na venue ng event, ang Belissimo.
Dahil hindi nakarating si Angel Aquino, na kamakailan lang
ay nagbida sa psycho-horror film na AMOROSA, hindi na natin pinalagpas
ang chance na ma-ambush interview si Direk RD tungkol sa aktres.
Check mo tong video na to!
Kapana-panabik ang twist and turns ng
dramatic thriller na "BIKTIMA"
Pagsamahin mo ang dalawa sa magagaling na artista ng kontemporaryong sinema
at ang isang bago ngunit mapusok na direktor, RD Alba
sa isang pelikula at makakaasa kang kaabang-abang ang magiging resulta nito.
Sa dramatic thriller na Biktima na ipalalabas sa September 19,
tunay na makapigil-hininga ang mga kaganapan.
Ang Biktima ay ginawa sa matulain pero mapananib na probinsya ng Bohol
kung saan din nagmula sa totoong buhay ang lead actor na si Cesar (Montano).
Napapanahon ang tema ng pelikula tungkol sa isang babaeng TV reporter
(ginagampanan ni Angel Aquino) na sa pagnanais na magtagumpay sa kanyang propesyon
ay sumuong sa isang TV news coverage sa isla ng Kamandao sa Bohol.
Sa gitna ng pag-atake ng mga rebelde, naglahong parang bula si Alice de la Cruz (Angel)
at pinaniwalaang namatay sa naturang pagsalakay ng mga grupong kontra sa gobyerno.
Ang asawa ni Alice na si Mark (Cesar) ay makakahanap ng bagong pag-ibig
sa katauhan ng kaibigang matalik ni Alice na si Sandra (Mercedes Cabral).
Pagkatapos ng anim na buwan ay matatagpuan si Alice ngunit hindi na siay tulad ng dati.
Ang kalupitan at trauma na dinanas niya sa piling ng mga taong humalay sa kanya
ay magiging dahilan upang lalong maging masalimuot ang buhay ng mag-asawang
sinubok ng mga pangyayaring wala na sa kanilang kontrol.
Nagkasama na sila sa pelikulang Panaghoy sa Suba noong 2004
na nanalo ng maraming awards pero associate producer si RD saPanaghoy
samantalang direktor at aktor naman si Cesar sa naturang palabas.
Ngunit ngayon sa Biktima, si RD na ang direktor ni Cesar.
“Si Direk RD alam niya ‘yung ginagawa niya. He is sure about his vision for the movie
and masarap siyang katrabaho,” ani Cesar tungkol kay Direk RD
na first time magdidirek ng isang full-length feature film.
Distributed by Star Cinema, Production.
Natutuwa rin si Direk Rd sa pagkakataong makatrabahong muli si Cesar.
“Cesar has always been a generous actor, a creative worker, a true-blue artist,”
papuri ni Direk RD. Ayon sa kanya, hindi rin matatawaran
ang husay na ipinamalas ni Angel Aquino sa pelikula.
“She is amazing in this movie,” ani Direk RD.
“She has a difficult part and she really gave it her all.”
Hindi ganuon karami ang mga pelikulang may temang psychological thriller
na ginagawa sa kasalukuyan kaya hindi dapat palampasin ang Biktima.
Kasama rin sa cast si Sunshine Cruz na real-life wife ni Cesar,
ang direktor-aktor na si Ricky Davao at ang British-born actor na si Phil Smith.
BIKTIMA, sa September 19 na!
*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER**TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*
No comments:
Post a Comment