Friday, August 31, 2012

“BWAKAW” SA SEPTEMBER 5 NA!

Star Cinema
 ire-release ang award-winning independent film
na pinagbibidahan ni
Eddie Garcia.
“BWAKAW”
IPALALABAS SA MGA SINEHAN NATIONWIDE SA SEPTEMBER 5



Ang critically-acclaimed at kauna-unahang indie film ng award-winning
direktor na si Jun Robles Lanana “Bwakaw” 
ay nakatakda nang i-release ng Star Cinema
sa mga sinehan nationwide sa September 5(Wednesday).

Rated ‘A’ ng Cinema Evalution Board (CEB),
ang “Bwakaw” ay isang drama-comedy
tungkol sa pagtanda at sa takot na tumandang mag-isa.
 Ibinabahagi nito ang buhay ni Rene,
na ginagampanan ng veteran actor-director na si Eddie Garcia,
 isang 75-taong-gulang na lalaki na naniniwalang
dahil sa kanyang katandaan ay wala na siyang pag-asa sa pag-ibig at
ang tanging dapat harapin na lamang ay ang kamatayan.
Ngunit mababago ang mga pananaw sa buhay ni Rene dahil kay Bwakaw”
—na salitang kalyeng mga Pinoy sa ganid—
isang palaboy na aso na nakatakdang turuan siya aral kung papaano mabuhay.

Distributed ng Star Cinema, namayagpag kamakailan sa balita ang “Bwakaw”
dahil sa pagkilalang natamo nito mula international movie fests kabilang
ang Toronto International Film Festival at New York FilmFestival.
Naparangalan ang “Bwakaw” sa 8th Cinemalaya Independent Film Festival
ng Best Actor (para kay Eddie),
Audience Choice, at Netpac Awards sa Director’s Showcase.

Ayon sa Pinoy movie legend na si Eddie,
ang “Bwakaw" ay nakaaantig na kuwento ng isang kakaibang pagkakaibigan.
 “Istorya ito ng pagmamahalan ng aso
at isang 75 years old na bading na pinaghahandaan na ang kanyang kamatayan,”
paliwanag ni Eddie na bida sa pelikulang tumatalakay sa pagkakaibigan,
mga oportunidad na napalampas, ikawalang pagkakataon,
at pagkatakot sa pagtanda at maging mag-isa.

Samantala, ibinahagi naman ni Direk Jun na ang kanyang indie-turned-mainstream film na
“Bwakaw”ay nagbigay daan sa kanyang upang bumalik sa kanyang pinagmulan.
“I decided to join Cinemalaya this year because I thought it was time to return to my roots.
It was not an easy journey, but worth every moment.
 Writing, producing, and directing ‘Bwakaw’ was quite liberating.
For the first time, there were no templates.
All I had to focus on was the story and how to best tell it visually,”
ani Jun, na higit nanakilala ng publiko dahil sa kanyang mga isinulat na commercial films
 tulad ng “Jose Rizal,” “Muro-Ami,”at “Bagong Buwan.”

Bukod kina Eddie at asong si Princess, tampok rin sa “Bwakaw”
sina Rez Cortez, Gardo Versoza, Bibeth Orteza, Soxie Topacio, Allan Paule,
Joey Paras, Beverly Salviejo, Soliman Cruz, Bibe Luz Valdez,
Jonathan Neri, May-I Fabros, at Ms. Armida Siguion-Reyna.

Mapapanood na ang "Bwakaw" sa mga sinehan nationwide sa September 5, 2012.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "Bwakaw" ,
mag-log on lamang sa http://facebook.com/
bwakawthemovie at sundan ang Twitter account na @bwakawthemovie


*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER*
*TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*

No comments: