Monday, May 7, 2012

Mon Tulfo vs. Raymart Santiago and Claudine Barretto


Sino ang NABUGBOG at sino ang NANGBUGBOG?
Sino ang NAGSIMULA at sino ang SINIMULAN?

Ilan lamang yan sa mga tanong na dapat bigyang kasagutan upang malaman ang katotohanan!

Kahapon nga May 6, 2012, naganap ang alitan/sapakan
nila Mon Tulfo at kampo ng magkasintahang Raymart Santiago at Claudine Barretto
sa Ninoy Aquino International Airport!

Ayon sa mga bali-balita, may nawawalang gamit si Claudine na nagresulta sa pagwawala nya at pagsigaw sa staff ng Cebu Pacific. Nagkataon din na naroon si Ramon "Mon" Tulfo
at bilang isang TV Host/Radio Broadcaster/Columnist,
naisipan niyang kuhaan ng video ang pagwawala ni Claudine gamit ang kanyang cellphone.

Nakita ni Raymart ang ginagawang pagkuha ng video ni Mon. Dito na nagsimula ang galit ni Raymart at nagresulta sa pambubugbog niya kay Mon Tulfo.

Narito ang video na nakunan ng isa sa mga testigo sa nasabing pambubugbog.




Nakakaloka di ba? Pero isa lamang itong "video clip" ng insidenteng nangyari.
Hindi ito ang kabuuan. Dahil meron pa nitong simula, gitnang bahagi at katapusan.

Siguro naguguluhan na rin kayo kung sino ba talaga ang NAGSIMULA, SINIMULAN, NABUGBOG, NANGBUGBOG, UMAWAY AT NANG-AWAY.

Para sa akin, hindi sa panig nila Claudine Barretto at Raymart Santiago
o sa panig ni Mon Tulfo natin malalaman ang buong katotohanan.
Kung hindi sa panig ng mga testigo na nakasaksi ng naganap na insidente!

Kayo, ano sa tingin ninyo?


*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER*

*TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*

No comments: