Friday, April 20, 2012

HIMIG HANDOG; PPOP LOVE SONGS




"This song is composed by ____________."

Ang sarap sigurong makita ang pangalan mo sa isang kanta na ikaw mismo ang gumawa!
Isang kanta na nilakha mo base sa iyong karanasan sa buhay.
Mapa-Rock man ito o Pop, Classic, Rap, Inspirational at siyempre,
ang pinakapaborito nating mga Pinoy, ang Love songs!

Dahil diyan, may good news ako sa inyo!

Naalala nyo pa ba ang "Hanggang" na kinanta ni Wency Cornejo?
Ang binigyang tinig ni Heart Evangelista na "Love Has Come My Way"?
"This Guy is in Love with You, Pare" ng Parokya ni Edgar?
"Kung ako ba sya" na pinasikat ni Piolo Pascual?

Kasama rin ang mga kantang inawit nila Dessa na "Lipad ng Pangarap"
para sa Himig Handog sa Bayaning Pilipino,
"Kahit Pilitin Pa" ni Dianne dela Fuente para sa JAM: Himig Handog sa Makabagong Kabataan,
"Kung Ako Na Lang Sana" ni Bituin Escalante sa Himig Handog Love Songs
at "Bye Bye Na" ni Rico Blanco sa ikalawang edisyon ng Himig Handog Love Songs.

Ilan lamang ito sa mga kantang pinasakit at binigyang buhay
ng mga Filipino Artists natin simula pa noong taong 2000.
Ito rin ay naging bahagi ng magkakaibang album na inilunsad ng Star Records.

Sa nagdaang panahon, patuloy pa ring tinatangkilik ang mga musikang nilikha ng Himig Handog
at magpahanggang sa ngayon ay bahagi ito ng Original Pilipino Music (OPM).

Ngayon, muling bubuksan ang multimedia songwriting competition
na inilunsad ng ABS-CBN na "Himig Handog" ang kanilang mga papel ng musika 
para bigyang daan ang iyong pangarap sa larangan ng pagsulat ng kanta. 

Ito ay para kilalanin ang katangi-tanging talento ng mga Pilipino
sa larangan ng musika upang mas lalong paangatin ang OPM
at lumikha ng ultimate Pinoy Love Song na siguradong iibigin ng mga henerasyon na darating.

Sa pagbabalik ng "Himig Handog", tinatawagan ang bawat Pilipino saan man sa mundo
na may talento sa pagsulat ng mga awatin para sumali,
ipasa ang kanilang mga obra at ipagmalaki ang angking galing sa larangan.
Ang mga kalahok, indibidwal man o grupo na may hanggang tatlong miyembro,
ay maaaring magpasa ng awiting nasa wikang Filipino, Ingles o Taglish
sa  ABS-CBN Manila, RNG Offices/MOR stations, TFC offices, o sa CGE TV.

*FOR INSTANT UPDATES, FOLLOW US ON TWITTER*

*TO WATCH OUR WEB SHOWS, CLICK HERE*

2 comments:

Anonymous said...

Ok sana eh ang daming songwriting competition nowadays.Pero alin ba sa mga ito yung talagang may malasakit sa mga sonwriters.Pag binasa n'yo yung mga Terms and conditions nila,grabe sa halos lahat ng means para mapakinabangan ng sumulat yung obra n'ya (thru royalties) eh mapupunta na sun sa organizers.Kaya kung manalo ka man ng yun na yun.Pag ginamit sa movie,commercial,teleserye o kahit digital download yung kanta halos wala nang makukuha yung composer.Exploitation in disguise.

Anonymous said...

+Kaya yaong ibang composer binabaul na lang ang ginawa nila'ng kanta sa hindi malinaw na mga terms and conditions.yong iba naman nag iindependent release na lang ganon din ang bagsak,personal endorsement pa lang ang taas na ng bayad.... kaya usad pagong ang buhay ng mga kapatid natin'g composers......